may kilala ka bang 'bampira' o ikaw ba ay isang 'bampira'? Hindi ito yung nangangagat ng leeg at naninipsip ng dugo ah. Eto yung mga tao na laging linya ay 'Friend, meron ka bampira?' Ay! Marami tayong kakilalang ganyan at aminin man natin sa hindi marahil isa rin tayo sa mga ‘yan. Isang mahalagang bagay na kailangan upang maayos natin ang ating financial status ay ang malaman natin kung paano ang attitude natin towards handling our money.
Tuwing darating ang araw ng sweldo saan nga ba napupunta ang pera mo? Sa milktea, sa samgyupsal, sa mga bagong gadgets, sa shopping, o sa mga mahahalagang bagay na kailangan natin para mabuhay? Sabi nila masasabi mong isa kang waldas kapag ultimo pangkain n’yo sa araw araw ay ipinangungutang mo na. Gaano man kalaki o kaliit ang nahahawakan nating pera buwan buwan ay hindi ito ang rason sa kung ano ang ilalapag natin sa hapag kainan. Basic necessities ang numero unong kailangan isaalang-alang at kapag kahit ito ay ‘di na natin matugunan, we should begin to assess ourselves. Isa ba akong waldas na tao?
Panoorin mo ang video na ito upang malaman mo kung ikaw ba ay nabibilang sa mga taong ganito. Bakit mahalagang malaman mo ang impormasyon na ito? Ito ay makatutulong upang mapagplanuhan mo ang mga susunod mong hakbang sa buhay. Ang pagtanggap ng kamalian ay unang step patungo sa pagbabago at pagsasaayos ng ating buhay. Kumuha na ng papel at panulat at ihanda ang sarili sa checklist ng mga waldas.
#IponaryoTips #savings #waldas #checklist #10Checklist #ChinkPositive #ChinkeeTan
---------------------------------------------------------------------
Follow Chinkee Tan Everywhere to become wealthy and debt-free
---------------------------------------------------------------------
Subscribe to Chinkee Tan’s Youtube:
Check out Chinkee Tan’s shop:
Enroll in Chinkee Tan’s online courses:
---------------------------------------------------------------------
Chinkee Tan on Social Media
---------------------------------------------------------------------
Facebook page:
Instagram:
Viber Community:
Twitter:
0 Comments